Trabaho at Sahod
Minimum na Sahod
Sa ilalim ng Labor Code, ang minimum wage rates ay itinatakda sa antas ng rehiyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs). Bawat Regional Board ay binubuo ng Regional Director ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o Department of Labor and Employment (DOLE) bilang tagapangulo, ang mga Regional Director ng Pambansang Pangasiwaan sa Ekonomiya at Kaunlaran o National Economic and Development Authority at ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade and Industry bilang mga pangalawang tagapangulo, at tig-dalawang miyembro mula sa sektor ng manggagawa at ng employer. Ang mga kinatawan ng mga manggagawa at mga employer ay itinatalaga ng Presidente ng Pilipinas, ayon sa rekomendasyon ng Kalihim ng DOLE, galing sa listahan ng mga nominado na isinumite ng sektor ng mga manggagawa at mga employer.
Kapag kinakailangan ng kalagayan sa rehiyon, nagsisiyasat at inaaral ng Regional Board ang lahat ng mga kaugnay na katotohanan at, batay sa itinakdang mga pamantayan at kriteriya, nagsusuri kung dapat bang magpalabas ng isang Wage Order. Ang anumang Wage Order ay magkakaroon ng bisa pagkatapos ng 15 na araw mula sa kumpletong paglalathala sa hindi bababa sa isang pahayagan na malawak ang pamamahagi sa rehiyon.
Sa pagpapatupad ng mga gawain nito na may kinalaman sa pagtatalaga ng sahod, ang Regional Board ay kailangang magsagawa ng pampublikong pagdinig o konsultasyon, magbigay ng abiso sa mga grupo ng mga manggagawa at mga employer, mga opisyal sa probinsiya, lungsod, at munisipiyo, at iba pang interesadong partido.
Ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) ay may tungkuling maglabas ng mga alituntunin at gabay sa pagtukoy sa nararapat na minimum wage at mga hakbang sa produktibidad sa antas ng rehiyon, probinsya, o industriya. Ito rin ay may tungkuling suriin ang mga antas ng regional wage na itinakda ng RTWPBs upang malaman kung ang mga ito ay alinsunod sa mga itinakdang patnubay at mga pambansang plano sa pag-unlad. Bagaman walang kapangyarihan ang NWPC na baligtarin ang mga Wage Order na inilabas ng mga Regional Board, maaari naman nitong tanggapin ang hain ng Wage Orders kung ito ay nakabatay sa matinding pag-abuso sa kapangyarihan ng Regional Board sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malubhang pagkakamali sa pagpapatupad ng batas at hindi pagsunod sa mga itinakdang alituntunin at/o pamamaraan.
Ang mga rehiyonal na minimum wage na itatakda ng Regional Board ay hindi bababa sa sapat hangga’t pinahihintulutan ng kalagayang pang-ekonomiya upang mapanatili ang pinakamababang pamantayan ng pamumuhay na kinakailangan para sa kalusugan, kahusayan, at pangkalahatang kabutihang kalagayan ng mga manggagawa alinsunod sa balangkas ng pambansang programang pang-ekonomiya at panlipunan.
Sa pagtukoy ng mga antas ng minimum wage, isinasaalang-alang ng Regional Board ang pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya, ang gastos sa pamumuhay at mga pagbabago o pagtaas nito, ang kasalukuyang antas ng sahod, ang patas na pamamahagi ng kita at yaman ayon sa mga kinakailangan ng pang-ekonomiya at panlipunang kaunlaran, ang epekto sa paglikha ng trabaho, ang kapasidad ng mga employer na magpasahod, ang pagbabago ng sahod batay sa consumer price index, ang pangangailangang mag-udyok ng mga industriya na mag-invest sa kanayunan, at ang pag-unlad sa antas ng pamumuhay, kasama ang iba pang mga may kinalamang salik.
Bawat isa sa 16 rehiyon ng Pilipinas ay may sariling RTWPB na nagtatalaga ng mga antas ng minimum wage para sa kanilang rehiyon. Maaaring magtalaga ng iba’t ibang antas ng minimum wage ang mga Regional Board para sa mga industriya sa loob ng kanilang rehiyon kung natukoy nito na ang kundisyon ay naaayon at kinakailangan upang mabigyang katuparan ang intensyon ng Labor Code. Sa pagsusuri ng mga kasalukuyang Wage Order, lumalabas na ang iba’t ibang antas ay itinalaga sa iba’t ibang sektor, na higit na nahahati sa pangagrikultura, hindi-pangagrikultura, at pagtitinda at serbisyo.
Ang mga apprentice, learners, at mga manggagawang may kapansanan ay dapat mabigyan ng sahod na hindi bababa sa 75% ng naaayon na minimum wage.
Ang Kalihim ng DOLE o ang kaniyang kinatawan ay maaaring magkaroon ng access sa mga talaan at lugar ng trabaho ng employer, kopyahin ang mga talaan, tanungin ang sinumang empleyado, at imbestigahan ang anumang katotohanan, kondisyon, o bagay na kinakailangan upang matukoy ang mga paglabag o makatulong sa pagpapatupad ng Labor Code at ng anumang batas sa paggawa, wage order, o mga tuntunin at regulasyon na inilabas alinsunod dito.
Ang mga reklamo ukol sa minimum wage ay maaaring ihain sa mga rehiyonal na opisina ng DOLE na may hurisdiksyon sa lugar ng trabaho.
Ang sinumang tumanggi o nabigong magbayad ng itinakdang pagtaas o pagbabago sa antas ng sahod ay paparusahan ng multa na hindi bababa sa PhP25,000 at hindi tataas sa PhP100,000, o pagkakulong na hindi bababa sa dalawang taon o tataas sa apat na taon, o parehong multa at kulong, sa pagpapasya ng korte.
Panghuli, ang mga antas ng minimum wage sa ilalim ng Kabanata V ng Titulo II ng Pangatlong Libro ng Labor Code, na inamyendahan ng Wage Rationalization Act (ang mga minimum wage na pangkalahatang ipinatutupad), ay sumasaklaw sa lahat ng manggagawa at empleyado sa pribadong sektor, anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga, o estado, at anuman ang pamamaraan ng pagpapasahod, maliban sa:
1. Mga kasambahay, kasama ang tsuper ng pamilya at iba mga taong nasa personal na serbisyo ng iba;
2. Mga manggagawa at empleyado sa mga establisyimentong panserbisyo o pambenta na regular na kumukuha ng hindi tataas sa 10 manggagawa, kapag ipinagkaloob ng Board ang exemption para sa isang taon mula sa petsa ng bisa ng Wage Order;
3. Mga manggagawa at empleyado ng mga establisyimentong malubhang naapektuhan ng kalamidad, natural man o sanhi ng tao, kapag ipinagkaloob ng Board ang exemption para sa isang taon mula sa petsa ng bisa ng Wage Order;
4. Mga manggagawa at empleyado sa mga exempted Barangay Micro Business Enterprises; at
5. Mga empleyado ng pamahalaan.
Batayan: §61, 75, 80, 98-99, 121-124, at 128 ng Labor Code, as amended; §1-2 ng Rule V at §1 at 4 ng Rule VII ng Omnibus Rules on Minimum Wage Determination; §17 ng Wage Rationalization Act, as amended; §8 ng Barangay Micro Business Enterprises (BMBE's) Act of 2002
Regular na Sahod
Ang salitang ‘sahod’ ay tumutukoy sa kabayaran o kinikita, anumang tawag dito, na maaaring ipahayag sa halaga ng pera, maging ito man ay nakatakda o tinutukoy batay sa oras, gawain, piraso, komisyon, o iba pang pamamaraan ng pagkalkula, na binabayaran ng isang employer sa isang empleyado sa ilalim ng nakasulat o di-nakasulat na kontrata ng trabaho para sa nagawang trabaho o gagawin pa, o para sa mga serbisyong ibinigay o ibibigay pa. Kasama rin dito ang makatwiran at makatarungang halaga, na tinutukoy ng Kalihim ng DOLE, ng pagkain, tirahan, o iba pang pasilidad na karaniwang ipinagkakaloob ng employer sa empleyado.
Hindi kasama sa ‘makatwiran at makatarungang halaga’ ang anumang kikitain ng employer o ng sinumang may kaugnay sa kanya.
Ang sahod ay dapat mabayaran sa hindi bababa sa isang beses kada dalawang linggo o dalawang beses sa isang buwan at may pagitan na hindi lalagpas sa 16 na araw. Kapag hindi ito nabayaran sa tamang panahon dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan o mapipigilan (force majeure) ng employer, dapat niya itong ibigay kaagad pagkatapos humupa ang pangyayaring ito. Ang pagbabayad ng sahod sa mga empleyadong may trabaho na hindi matatapos sa loob ng dalawang linggo, kung walang collective bargaining agreement o desisyon ng arbitrasyon, ay dapat gawin sa mga agwat na hindi lalagpas sa 16 na araw ayon sa bahagi ng natapos na trabaho, at ang panghuling bayad ay ibibigay kapag natapos ang trabaho. Bilang pangkalahatang tuntunin, ang sahod ay dapat mabayaran sa lugar ng trabaho o malapit dito. Ang pagbabayad sa ibang lugar ay pinahihintulutan lamang sa ilalim ng mga partikular na sitwasyon. Maaaring bayaran ang sahod sa pamamagitan ng mga bangko sa loob ng isang kilometro mula sa lugar ng trabaho sa mga may 25 na empleyado o higit pa, kapag may nakasulat na pahintulot mula sa karamihan ng mga empleyado.
Panghuli, ipinagbabawal ng batas ang panghihimasok sa paggastos ng sahod, mga pagbabawas nang walang pahintulot, paghawak o pagpigil ng sahod nang walang pahintulot ng empleyado, pagbabawas upang matiyak ang trabaho, at pagganti laban sa mga empleyado sa pamamagitan ng pagbawas o pagtanggi sa pagbabayad ng sahod. Gayunpaman, maaaring magbawas ang employer mula sa sahod ng empleyado kapag: (a) ang mga pagbabawas ay pinahihintulutan ng batas, kabilang ang mga bayad para sa insurance premiums na naunang binayaran ng employer sa ngalan ng empleyado, gayundin ang mga bayad sa unyon, kung saan kinikilala ng employer ang karapatan sa check-off o pinahintulutan ng empleyado sa pamamagitan ng nakasulat na pahintulot; o (b) ang mga pagbabawas ay kinikilala ng empleyado sa pamamagitan ng nakasulat na pahintulot para sa pagbabayad sa ibang tao, sa kundisyong ang employer ay hindi makakatanggap ng direktang o hindi direktang pinansyal na benepisyo mula sa transaksyon.
Ang mga employer sa pribadong sektor ay kinakailangang magbayad ng pang-labintatlong buwang sahod sa kanilang mga empleyadong rank and file tuwing Disyembre 24 o mas maaga bawat taon. Lahat ng rank and file na empleyado sa pribadong sektor ay may karapatan sa pang- labintatlong buwang sahod, anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga, estado sa trabaho, o paraan ng pagbabayad ng sahod, sa kundisyong sila ay nakapagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan sa loob ng isang taon.
Bagama’t ayon sa batas, kailangang magbayad ng pang-labintatlong buwang sahod nang hindi lalampas sa Disyembre 24, pinapayagan din ang mga employer na magbigay ng kalahati nito bago magbukas ang regular na taong panuruan at ang natitira naman ay ibibigay sa Disyembre 24 o bago nito. Ang halaga ng pang-labintatlong buwang sahod ay hindi dapat bababa sa isang-kalabindalawa (1/12) ng kabuuang batayang sahod na kinita ng manggagawa sa loob ng taon. Ang halaga ay kinakalkula na isinasaalang-alang ang pagliban sa trabaho ng empleyado. Kailangang mag-ulat ang mga employer ng kanilang pagtupad dito sa o bago ang Enero 15 ng susunod na taon.
Batayan: §97, 103-104, 112-113, at 116-118 ng Labor Code, as amended; §7 ng Wage Rationalization Act, as amended; DOLE Labor Advisory 11 (2014); Presidential Decree No. 851 (1976), as amended; Rules and Regulations Implementing Presidential Decree No. 851
Mga Regulasyon sa Trabaho at Sahod
- 1987 Constitution of the Philippines
- Labor Code of the Philippines (Presidential Decree No. 442 of 1974), as amended
- Omnibus Rules on Minimum Wage Determination
- Wage Rationalization Act (Republic Act No. 6727), as amended
- Women in Development and Nation Building Act 1991 (Republic Act No. 7192)
Mga Kaugnay na Aytem
Kumpensasyon at Oras ng TrabahoMinimum na Sahod