Pagbubuntis at Trabaho
Bakasyon para sa Pagbubuntis
Ang karapatan sa maternity leave sa ilalim ng Labor Code at Social Security Act of 2018 ay sumasaklaw sa lahat ng babaeng empleyado, kasal man o hindi. Ang isang babaeng empleyado ay dapat miyembro ng Social Security System (SSS), may trabaho sa panahon ng kanyang panganganak o pagkalaglag ng bata, nakapagbigay ng kinakailangang abiso sa SSS sa pamamagitan ng kanyang employer, at nakapagbayad ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa SSS sa loob ng 12-buwan bago ang petsa ng pangyayari (panganganak o pagkalaglag).
Sa ilalim ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law, ang mga babaeng manggagawa ay binibigyan ng 105 araw ng maternity leave. Nakasaad din sa batas ang karagdagang 30 araw na walang bayad na maternity leave. May probisyon para sa karagdagang 15 araw ng maternity leave kung ang manggagawa ay kwalipikado bilang solo parent, ayon sa Solo Parents’ Welfare Act of 2000. May probisyon para sa 60-araw na maternity leave sa kaso ng pagkalaglag o emerhensiyang pagtatapos ng pagbubuntis. Ang manggagawa ay may karapatan din sa SSS maternity benefits, kabilang ang pangangalagang pangkalusugan para sa mga sitwasyong may kaugnayan sa pagbubuntis. Ang maternity leave ay maaaring gamitin nang tuloy-tuloy at walang patid o bilang kombinasyon ng pre-natal at post-natal leave, basta’t hindi ito lalampas sa 105 araw, at ang kinakailangang post-natal leave ay hindi bababa sa 60 araw, o 60 araw rin kung may naganap na pagkalaglag o emerhensiyang pagtatapos ng pagbubuntis. Ang mga employer na hindi susunod o tatangging sumunod sa probisyong ito ay papatawan ng multang PhP20,000 hanggang PhP200,000 at pagkakakulong ng 6 na taon hanggang 12 na taon, o kaya’y pareho.
Batayan: §131 ng Labor Code, as amended; §14-A ng Social Security Act of 2018 (Republic Act No. 11199); §3, 5, 9, at 18 ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law (Republic Act No. 11210)
Kita
Ang mga benepisyong pinansyal para sa maternity leave ng mga kababaihang manggagawa sa pribadong sektor ay itinakda sa ilalim ng Social Security Act at ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law. Ang karapatan sa benepisyong ito ay para sa 105 araw na may buong bayad, nanganak man sa normal na paraan o sa pamamagitan ng caesarean section. Upang maging kwalipikado para sa benepisyo, ang miyembro ay dapat:
a. Nakapagbayad ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12-buwan bago ang semestre ng panganganak o pagkalaglag; b. Nagbigay ng abiso sa kanyang employer hinggil sa kanyang pagbubuntis at sa inaasahang petsa ng panganganak, na kailangang isumite ng employer sa SSS; at c. Nagbubuntis sa isa sa kanyang unang apat na panganganak o pagkalaglag.
Ang benepisyo sa maternity ay unang ibinabayad nang buo ng employer sa loob ng 30 araw mula sa pagsusumite ng aplikasyon para sa maternity leave, at ito naman ay ibinabalik ng SSS, alinsunod sa pagtupad sa lahat ng itinatakdang dokumentaryo.
Batayan: §14-A ng Social Security Act of 2018 (Republic Act No. 11199); §4-5 ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law (Republic Act No. 11210)
Pagsusuri/Pagtatanong tungkol sa pagbubuntis sa panahon ng pagre-recruit
Ipinagbabawal ng batas sa sinumang employer na magdiskriminika laban sa kahit na sinong babaeng empleyado hinggil sa mga tuntunin at kundisyon ng empleyo batay lamang sa kanyang kasarian.
Ang pagtatanong sa isang aplikante kung siya ay buntis o paghingi ng pregnancy test bilang kondisyon ng empleyo ay maaaring maturingang diskriminasyon batay sa kasarian.
Batayan: §133 ng Labor Code, as amended
Libreng Serbisyong Medikal
Ang mga benepisyong medikal ng mga manggagawa ay sinasaklaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nangongolekta ng mga kontribusyon para sa medical care program at nangangasiwa sa pagbibigay ng mga benepisyo. Ngunit, ang pangangalagang medikal ay binibigay ng mga akreditadong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan. Ang employer at empleyado ay may kontribusyon na tig-2.50% (kabuuang 5%) ng karaniwang buwanang sahod ng empleyadong may PhilHealth, na naaayon sa 3 kategorya ng sahod.
Ang mga empleyado ay dapat may kontribusyon na hindi bababa sa tatlong buwang (premium contribution) mula sa anim na buwan bago siya ma-ospital. Ang mga self-employed at kusang-loob na nagbibigay ng kontribusyon ay dapat may kontribusyon na hindi bababa sa tatlong buwan, sa loob ng 12 buwan. Ang mga kondisyon sa kontribusyon ay isinantabi para sa mga rehistradong pensionado, mga kategorya ng may mababa o walang sahod, mga nagtatrabaho sa ibang bansa, at mga babae na malapit nang manganak.
Ang mga akreditadong health care provider ay nagbibigay ng serbisyo sa loob at labas ng ospital (inpatient at outpatient services) na diretsong binabayaran ng pondo para sa kalusugan batay sa nakatakdang iskedyul.
Ang mga babae na malapit nang manganak ay dapat naka-rehistro sa National Health Insurance Program upang makagamit ng Maternity Care Package mula sa PhilHealth. Saklaw ng package na ito ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa panahon ng pagbubuntis, sa buong yugto ng panganganak, sa normal na panganganak, at sa agarang panahon pagkatapos manganak, kabilang ang mga pagbisita sa doctor sa loob ng unang 72 oras at isang linggo pagkatapos manganak.
Maaari rin nilang gamitin ang Normal Spontaneous Delivery Package, na sumasaklaw sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa normal low risk vaginal deliveries at sa agarang panahon pagkatapos manganak, kabilang ang unang 72 oras at pitong araw pagkatapos manganak, o ang Antenatal Care Package, na sumasaklaw sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa mga babaeng malapit nang manganak sa panahon ng pagbubuntis.
Batayan: §10 ng Art. III, §16(m) of Art. IV , §23(c) of Art. V, and §30 and 35 of Art. VIII of the National Health Insurance Act of 1995 (Republic Act No. 7875); PhilHealth Circular Nos. 2019-0004, 2019-0009, 022-2014, and 2025-0007
Mga Regulasyon sa Pagbubuntis at Trabaho
- 1987 Constitution of the Philippines
- Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Republic Act No. 9262)
- Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 (Republic Act No. 10028)