Pagpapasuso
Pagpapasuso
Sa ilalim ng Labor Code, ang mga inang nagpapasuso ay pinapayagan lamang magtrabaho sa gabi kung isang kwalipikadong doktor, bukod sa doktor ng kumpanya, ang magsisiguro sa kanilang kakayahan o kalusugan upang magtrabaho sa ganitong oras. Ang Kalihim ng DOLE ay maaaring, sa angkop na mga pagkakataon at sa pamamagitan ng regulasyon, obligahin ang anumang employer na maglagay ng nursery sa lugar ng trabaho para sa kapakinabangan ng mga babaeng empleyado doon.
Ang mga pahinga para sa pagpapasuso ay saklaw ng Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, na ipinasa upang suportahan, protektahan, at himukin ang mga babaeng manggagawang nagpapasuso. Ipinag-uutos ng batas na ipatupad ng mga lugar ng trabaho ang mga kaukulang regulasyon ukol dito.
Lahat ng lugar ng trabaho sa pampubliko at pribadong sektor ay kinakailangang magtayo ng lactation station para sa mga nagpapasusong ina. Ang mga lactation station ay dapat may sapat na pasilidad tulad ng lababo para sa paghuhugas ng kamay, refrigeration o malamig na imbakan para sa gatas ng sanggol, saksakan para sa mga breast pump, at komportableng upuan at lamesa. Ang lactation station ay hindi maaaring ilagay sa loob ng kubeta. Ang mga establisimyento ay dapat ipagbawal ang promosyon, marketing, o pagbebenta ng gatas na formula sa loob ng mga lactation station.
Ang mga nagpapasusong manggagawa ay may karapatan sa mga pahinga para sa pagpapasuso na tinatawag ding lactation period. Kasama rito ang oras ng pagpunta at pagbalik mula sa kanilang lugar na trabaho patungo sa lactation station ng kumpanya. Ang mga oras na ito ay itinuturing na bahagi ng oras ng pagtatrabaho at samakatuwid ay may bayad. Maaaring payagan ng DOLE ang ilang pagbabago; gayunpaman, ang lactation period ay hindi maaaring mas mababa sa 40 minuto sa bawat walong oras ng pagtatrabaho. Ang benepisyong ito at mga akomodasyon ay partikular na para sa mga inang nagpapasuso ng mga sanggol at maliliit na bata na may edad na 0 hanggang 36 buwan.
Batayan: §130 at 158 ng Labor Code, as amended; §3 at 11-12 ng Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 (Republic Act No. 10028)
Mga Kaugnay na Aytem
Pagliban sa Trabaho Dahil sa Pagbubuntis o PanganganakPagpapasuso