Taunang Bakasyon at mga Holiday
Bayad na Bakasyon / Taunang Bakasyon
Ang taunang bakasyong may bayad o annual leave ay isinasaayos ng Labor Code. Lahat ng empleyado, anuman ang kanyang edad, ay may karapatan sa taunang bakasyong may bayad na tinatawag na service incentive leave, alinsunod sa batas. Ang empleyado ay dapat makatapos ng hindi bababa sa isang taong serbisyo upang maging kwalipikado sa taunang bakasyon. Kabilang sa benepisyong ito ang limang araw na may bayad kada taon, kung saan ang empleyado ay tatanggap ng kanyang regular na arawang sahod. Ngunit, ang mga sumusunod na manggagawa ay hindi makakatanggap ng nasabing benepisyo: 1. Mga empleyado na may natatanggap na parehong benepisyo sa ilalim ng ibang batayan; 2. Mga empleyado ng mga establisimyento na regular na gumagamit ng mas mababa sa sampung empleyado; 3. Mga empleyado ng pamahalaan; 4. Mga empleyadong namamahala o managerial; 5. Mga empleyado sa labas ng opisina o field personnel; 6. Mga miyembro ng pamilya ng employer na umaasa sa kanya para sa suporta; 7. Mga kasambahay; 8. Mga taong nasa personal na serbisyo ng iba; at 9. Mga empleyado ng mga establisimyento na hindi saklaw ng pagbibigay ng benepisyong ito ng Kalihim ng DOLE matapos isaalang-alang ang kakayahan o kalagayang pinansyal ng naturang establisimyento.
Walang hiwalay na probisyon sa ilalim ng batas ukol sa taunang bakasyon para sa mga batang manggagawa o kabataang manggagawa.
Hindi ipinag-uutos ng batas na magbigay ang mga employer ng karagdagang araw ng service incentive leave batay sa haba ng panunungkulan ng empleyado.
Hindi nakasaad sa Labor Code ang araw ng pagbayad. Wala ding anumang probisyon sa batas na nagtatakda o nagreregula sa iskedyul o paghahati ng taunang bakasyon. Ngunit, ito ay maaaring isalin sa halagang katumbas nito kung hindi nagamit o naubos sa katapusan ng taon.
Batayan: §82 at 95 ng Labor Code, as amended; 2024 Handbook on Workers Statutory Benefits
Bayad sa mga Pampublikong Holiday
Nakalista sa Administrative Code ng 1987 ang mga regular at espesyal na pista opisyal na ipinagdiriwang sa Pilipinas:
Mga Regular na Pista Opisyal:
Bagong Taon Huwebes Santo Biyernes Santo Eidul Fitr Eidul Adha Araw ng Kagitingan Araw ng Paggawa Araw ng Kalayaan Araw ng mga Pambansang Bayani Araw ni Bonifacio Pasko Araw ni Rizal
Mga Espesyal na Araw na Hindi Pinapasukan:
Araw ni Ninoy Aquino Araw ng mga Santo Huling Araw ng Taon
Maliban sa Eidul Fitr at Eidul Adha, ang mga tiyak na petsa ng mga pista opisyal at iba pang pista opisyal na wala sa listahang ito ay nakasaad sa taunang proklamasyon. Ang pagdiriwang ng Eidul Fitr at Eidul Adha ay iniaayon batay sa kalendaryo ng Islam (Hijra) o sa mga kalkulasyong pang-astronomiya ng Islam, alinman ang mas naaangkop o mas mainam. Ang mga petsa nito ay ipinaparating ng Pambansang Komisyon para sa mga Muslim na Pilipino sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Ang mga manggagawa ay may karapatan na tumanggap ng kanilang regular na sahod sa tuwing regular na pista opisyal.
Batayan: §94 ng Labor Code, as amended; §6 ng Chapter 7, Book I of the Administrative Code of 1987; Proclamation No. 727 269 of 2024
Lingguhang mga Araw ng Pahinga
May karapatan ang mga manggagawa sa hindi bababa sa 24 na magkakasunod na oras ng pahinga pagkatapos ng anim na magkakasunod na araw ng trabaho. Ang mga sumusunod na manggagawa ay hindi saklaw ng probisyong ito sapagkat sila ay may ibang kaukulang karapatan:
- Mga empleyado ng pamahalaan;
- Mga empleyadong namamahala o managerial;
- Mga empleyado sa labas ng opisina o field personnel;
- Mga miyembro ng pamilya ng employer na umaasa sa kanya para sa suporta;
- Mga kasambahay; at
- Mga taong nasa personal na serbisyo ng iba
Dapat tukuyin at itakda ng employer ang lingguhang araw ng pahinga ng kanyang mga empleyado alinsunod sa collective bargaining agreement at sa mga patakaran at regulasyong maaaring ipalabas ng Kalihim ng DOLE. Gayunpaman, dapat igalang ng employer ang nais na araw ng pahinga ng mga empleyado kung ito ay nakabatay sa relihiyosong dahilan.
Sa ilalim ng Labor Code, inaatasan ang employer na bigyan ang kanyang mga empleyado ng hindi bababa sa 60 minutong na pahinga para sa regular na pagkain. Ang arawang oras ng pahinga ay hindi malinaw itinakda sa Labor Code.
Batayan: §82, 85 at 91 ng Labor Code, as amended
Mga Regulasyon sa Taunang Bakasyon at mga Holiday
- 1987 Constitution of the Philippines
- National Health Insurance Act of 1995 (Republic Act No. 7875)