Mga Pananagutang Pampamilya
Bakasyon para sa Ama
Ang probisyon ng batas ukol sa paternity leave ay nakapaloob sa Paternity Leave Act of 1996.
Bawat may-asawang lalaking empleyado sa pribado at pampublikong sektor ay may karapatan sa pitong araw na paternity leave na may buong bayad, kabilang ang batayang sahod, lahat ng allowance, at iba pang benepisyong pinansyal, para sa unang apat na panganganak ng kanyang lehitimong asawang kanyang kasamang naninirahan. Ang lalaking empleyadong nagnanais gumamit ng paternity leave ay kinakailangang magbigay-abiso sa kanyang employer hinggil sa pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa at sa inaasahang petsa ng panganganak. Ang “panganganak” ay tumutukoy sa mismong pagsilang o sa anumang kaso ng pagkalaglag.
Ang benepisyo ng paternity leave ay maaaring gamitin ng empleyado bago, habang, o pagkatapos ng panganganak ng kanyang asawa, basta’t hindi ito hihigit sa pitong araw ng trabaho sa bawat panganganak.
Ang paternity leave ay hindi maaaring ipagpalit sa katumbas na halaga sa pera kung hindi ito ginamit ng empleyado.
Kapag nilabag ng employer ang mga probisyon ng batas na ito, maaari silang parusahan ng multa na hindi hihigit sa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkakakulong na hindi bababa sa 30 araw ngunit hindi hihigit sa anim na buwan.
Batayan: §2-3 at 5 ng Paternity Leave Act of 1996 (Republic Act No. 8187); §5-6 ng Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 8187 for the Private Sector
Bakasyon para sa mga Magulang
Ang parental leave, para sa layunin ng bahaging ito bilang karagdagang pahinga para sa mga magulang pagkatapos makumpleto ang maternity leave, ay hindi nakasaad sa Labor Code ng Pilipinas.
Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act, may ibang uri ng parental leave na ibinibigay sa mga magulang na nag-iisa. Ang parental leave na ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga solo parent upang magampanan niya ang kaniyang tungkulin at responsibilidad bilang magulang, kung saan ang kanyang pisikal na presensya ay kinakailangan o kapaki-pakinabang sa bata. Ang karapatan sa parental leave ay naaangkop sa mga solo parent na napapailalim sa alinman sa mga sumusunod na kategorya:
- Magulang na nagbibigay ng nag-iisang alaga at suporta sa kanyang anak o mga anak dahil sa –
- Pagkapanganak bilang resulta ng panggagahasa, kahit na wala pang huling hatol, hangga’t ang ina ang nag-iisang nag-aalaga at sumusuporta sa anak o mga anak;
- Pagkamatay ng asawa;
- Pagkakulong ng asawa ng hindi bababa sa tatlong buwan o pagpapatupad ng sentensya para sa isang krimen;
- Pisikal o mental na kawalan ng kapasidad ng asawa, na sertipikado ng isang pampubliko o pribadong medikal na propesyonal;
- Legal o de facto na paghihiwalay na hindi bababa sa anim na buwan, at ang solo parent ay inatasan bilang nag-iisang nag-aalaga at sumusuporta sa anak o mga anak;
- Deklarasyon ng pagkawalang-bisa ng kasal, o dahil sa diborsyo, na naaayon sa batas, at ang solo parent ay pinagkatiwalaan na mag-isang mag-aalaga at susuporta sa anak o mga anak; o
- Pag-abandona ng asawa ng hindi bababa sa anim na buwan;
- Asawa o kahit sinong miyembro ng pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), o ang tagapag-alaga ng anak o mga anak ng OFW;
- Hindi kasal na ina o ama na nagpapalaki at nangangalaga sa anak o mga anak;
- Sino mang legal na tagapag-alaga (adoptive o foster parent) na mag-isang nagbibigay ng pangangalaga at suporta sa anak o mga anak;
- Kahit sinong kamag-anak sa loob ng ika-apat na sibil na antas ng pagkakamag-anak o pagkakaugnay sa batas ng magulang o legal na tagapag-alaga na inako ang pag-aalaga at pagsuporta sa anak o mga anak, dahil sa pagkamatay, pag-abandona, pagkawala o kawalan ng magulang o solo parent, ng hindi bababa sa anim na buwan; o
- Buntis na babae na nagbibigay ng alaga at suporta sa hindi pa isinisilang na bata sa kanyang sinapupunan.
Ang mga magulang ay dapat magtrabaho ng hindi bababa sa anim na buwan upang maging kwalipikado sa parental leave na hindi hihigit sa pitong araw ng trabaho na may bayad bawat taon.
Batayan: §3(e)-4 at 7-8 ng Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861)
Pagpipiliang Flexible na Trabaho para sa mga Magulang / Balanse sa Trabaho at Buhay
Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act, maaring magbigay ang mga employer ng flexible working schedule para sa mga solo parent. Ang flexible work schedule ay tumutukoy sa kaayusan sa trabaho na ipinagkakaloob sa empleyadong solo parent upang mabago ang oras ng pagpasok at pag-uwi sa lugar ng trabaho nang hindi naaapektuhan ang itinakdang pangunahing oras ng trabaho ng employer.
Ang mga magulang na kasal ay maaari ring makinabang sa telecommuting program kung ito ay iniaalok ng employer. Ang telecommuting ay tumutukoy sa pagtatrabaho mula sa alternatibong lugar gamit ang telecommunication at/o teknolohiyang pangkompyuter.
Bukod dito, ang mga empleyadong nagpapasuso, kasal man o hindi, ay binibigyan ng bayad na pahinga na hindi bababa sa 40 minuto sa bawat walong oras ng pagtatrabaho upang magpasuso o mag-express ng gatas.
Batayan: §3(c) at 6 ng Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861); §3-4 ng Telecommuting Act (Republic Act No. 11165); §7 ng Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009 (Republic Act No. 10028)
Pag-leave sa mga espesyal na kalagayan
Sa mga pagkakataong sumailalim sa operasyon dahil sa mga karamdamang may kinalaman sa sistemang reproduktibo ng babae o ginekolohikal, ang babaeng empleyado ay may karapatan sa espesyal na benepisyo ng dalawang buwang leave na may buong bayad batay sa kanyang kabuuang buwanang kompensasyon pagkatapos ng operasyon.
Samantala, sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ang mga biktima ay may karapatan sa may bayad na leave ng hanggang 10 araw, ayon sa kinakailangan.
Batayan: §18 ng The Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710); §43 ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Republic Act No. 9262)
Mga Regulasyon sa mga Pananagutang Pampamilya
- Republic Act No. 9231
- The Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710)