Proteksyon sa Trabaho
Walang Mapanganib na Trabaho
Sa ilalim ng batas, ang mga employer ay kailangang tiyakin na may alternatibo sa pang-gabing trabaho na maaaring gamitin ng mga buntis na manggagawa. Maaari lamang silang payagang magtrabaho sa gabi kung may sertipikasyon mula sa isang kwalipikadong doktor, bukod sa doktor ng kompanya, na nagpapatunay na sila ay angkop sa pagtatrabaho sa gabi at tinutukoy ang yugto ng kanilang pagbubuntis kung kailan ligtas silang magtrabaho. Nagtatakda rin ang batas ng proteksyon para sa mga kababaihan laban sa mapanganib at delikadong trabaho.
Bukod dito, ang Kalihim ng DOLE ay dapat magtatag ng mga pamantayan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga babaeng empleyado. Sa angkop na mga kaso, maaari niyang, sa pamamagitan ng regulasyon, obligahin ang sinumang employer na:
a. Magbigay ng naaangkop na upuan para sa mga babae at payagan silang gamitin ito kapag sila ay walang ginagawa o kahit sa oras ng trabaho, basta’t nagagampanan nila ang kanilang tungkulin nang hindi naaapektuhan ang kanilang kahusayan;
b. Magtayo ng hiwalay na kubeta at banyo para sa mga lalaki at babae at maglaan ng hindi bababa sa isang silid-pamalit ng damit para sa mga babae;
c. Magtayo ng silid ng sanggol o nursery sa lugar ng trabaho para sa kapakinabangan ng mga babaeng empleyado; at d. Tukuyin ang naaangkop na pinakamababang edad at iba pang pamantayan para sa pagretiro o pagtanggal sa trabaho sa mga espesyal na propesyon tulad ng mga flight attendants, at iba pa.
Panghuli, nararapat ding banggitin na ang batas ay hindi nagtatakda anumang limitasyon sa overtime at sa pagtatrabaho sa araw ng pahinga sa mga buntis, nagpapasuso, o iba pang mga babaeng manggagawa.
Batayan: §130 at 158 ng Labor Code, as amended; §25 ng Rule V of the Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women
Proteksyon Laban sa Pagtiwalag
Ang mga empleyadong gumamit ng benepisyo sa maternity leave ay may katiyakan sa kanilang seguridad sa trabaho. Hindi sila maaaring ibaba ng posisyon o tanggalin sa trabaho dahil lamang sa kanilang paggamit ng nasabing benepisyo.
Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal sa sinumang employer ang: a. Pagtanggal sa babaeng empleyado upang hadlangan siya sa paggamit ng maternity leave, mga pasilidad, at iba pang benepisyong nakasaad sa Labor Code. b. Pagtanggal sa babaeng empleyado dahil sa kanyang pagbubuntis, o habang naka-leave o nasa gamutan bunga ng kanyang pagbubuntis; at c. Pagtanggal o pagtanggi sa pagbabalik sa trabaho ng babaeng empleyado dahil lamang sa pangamba na siya ay maaaring buntis.
Batayan: §135 ng Labor Code, as amended; §15 ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law (Republic Act No. 11210)
Karapatang Bumalik sa Parehong Posisyon
Pinahihintulutan ang mga employer na ilipat ang mga manggagawang gumamit ng benepisyo ng maternity leave sa isang kapantay na posisyon o italaga sila sa ibang yunit ng organisasyon sa loob ng parehong kompanya, hangga’t hindi ito nagdudulot ng pagbaba ng kanilang ranggo, katayuan, sahod, o naituturing na constructive dismissal. Ipinahihiwatig nito na ang mga manggagawa ay walang karapatang bumalik sa eksaktong posisyong na kanilang iniwan matapos ang maternity leave.
Batayan: §15 ng 105-Day Expanded Maternity Leave Law (Republic Act No. 11210)
Mga Kaugnay na Aytem
Pagliban sa Trabaho Dahil sa Pagbubuntis o PanganganakWalang Mapanganib na Trabaho