Kabayaran at Oras ng Trabaho
Kompensasyon sa Overtime
Ang oras ng paggawa o oras ng trabaho ay sumasaklaw sa lahat ng oras kung saan ang manggagawa ay kinakailangang nasa tungkulin o nasa lugar ng trabaho at lahat ng oras kung saan ang manggagawa ay pinapayagang magtrabaho. Ang maikling oras ng pahinga sa loob ng oras ng trabaho ay itinuturing ding oras ng trabaho.
Ang karaniwang oras ng trabaho ng sinumang manggagawa ay hindi dapat lumagpas sa walong oras bawat araw. Ngunit, ang mga manggagawa sa kalusugan o health personnel sa mga siyudad at bayan na may populasyon na hindi bababa sa isang milyon, o sa mga ospital at pagamutan na may kapasidad na hindi bababa sa isang daang kama, ay maaaring atasang magtrabaho ng dagdag na oras kung kinakailangan. Ang limitasyon sa arawang oras ng trabaho alinsunod sa Labor Code ay hindi rin sumasaklaw sa mga manggagawa sa pamahalaan, mga manggagawang namamahala o managerial, mga manggagawa sa labas ng opisina o field personnel, mga miyembro ng pamilya ng employer, mga kasambahay, at mga taong nasa personal na serbisyo ng iba.
Ang bata na may edad na mas mababa sa 15 taong gulang ay hindi maaaring magtrabaho ng mahigit sa 4 na oras bawat araw, samantalang ang mga kabataan na may edad 15 hanggang 18 taong gulang ay hindi maaaring magtrabaho ng higit sa 8 oras bawat araw. Ang mga kasambahay na may edad na mas mababa sa 18 taong gulang ay hindi pinapayagang magtrabaho ng higit sa 8 oras sa isang araw at 5 araw bawat linggo, hindi kasama ang isang oras na pahinga para sa bawat regular na pagkain sa isang araw.
Nagpalabas ang DOLE ng mga alituntunin hinggil sa pagpapatupad ng mga nababagong kaayusan sa oras ng trabaho, kabilang ang compressed workweek bilang isa sa iba’t ibang flexible arrangement na maaaring isaalang-alang ng mga employer na ipatupad sa panahon ng kahirapan sa ekonomiya o pambansang emerhensiya. Sa ilalim ng mga alituntuning ito, ang compressed workweek ay isang normal na linggo ng trabaho na pinaikli sa mas mababa sa anim na araw ngunit nananatiling pareho ang kabuuang oras ng trabaho sa isang linggo (48 oras). Ang pinakamataas na bilang ng oras ng trabaho sa mga araw na ito ay hindi maaaring lumampas sa 12 oras bawat araw.
Alinsunod sa Labor Code, ang trabaho ay maaaring gawin ng higit sa walong oras bawat araw basta’t mababayaran ang manggagawa para sa overtime work ayon sa itinatadhana. Bukod dito, kahit sinong manggagawa ay maaaring pagtrabahuin ng employer ng overtime work sa mga sumusunod na pagkakataon: kapag may pambansang emerhensiya o force majeure; agarang trabaho upang maiwasan ang malubhang pagkalugi o pinsala sa panig ng employer; upang maiwasan ang pagkawala o pinsala sa mga produktong madaling masira; at kapag ang pagtatapos o pagpapatuloy ng trabaho ay kinakailangan upang maiwasan ang malubhang hadlang o pinsala sa negosyo o operasyon ng employer.
Walang limitasyon ang overtime work sa ilalim ng batas. Ngunit, ang undertime work sa isang araw ay hindi maaaring ipalit o i-offset sa overtime work sa ibang araw.
Ang antas ng bayad sa overtime ay sinasaklaw ng Labor Code.
1. Ang antas ng overtime ay 125% ng karaniwang sahod kada oras kapag ang overtime work ay ginawa sa ordinaryong araw ng trabaho (100 (hinihinalang karaniwang sahod kada oras)125%);
2. Ang antas ng overtime ay 169% ng karaniwang sahod kada oras kapag ang overtime work ay ginawa sa espesyal na araw o itinakdang araw ng pahinga (100 (hinihinalang karaniwang sahod kada oras)130%130%);
3. Ang antas ng overtime ay 195% ng karaniwang sahod kada oras kapag ang overtime work ay ginawa sa espesyal na araw na kasabay ng itinakdang araw ng pahinga (100 (hinihinalang karaniwang sahod kada oras)130%150%);
4. Ang antas ng overtime ay 260% ng karaniwang sahod kada oras kapag ang overtime work ay ginawa sa regular na araw ng pista opisyal (100 (hinihinalang karaniwang sahod kada oras)130%200%);
5. Ang antas ng overtime ay 338% ng karaniwang sahod kada oras kapag ang overtime work ay ginawa sa regular na araw ng pista opisyal na kasabay ng itinakdang araw ng pahinga (100 (hinihinalang karaniwang sahod kada oras)130%*260%);
Batayan: §82-84 at 87-89 ng Labor Code, as amended; §12-A ng Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act; Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10361; No. 1 ng Part III ng Guidelines on the Adoption of Flexible Work Arrangements
Kompensasyon sa Trabaho sa Gabi
Ang night work ay trabahong ginagawa sa loob ng hindi bababa sa pitong magkakasunod na oras, kasama ang panahon mula 12:00 ng hating gabi hanggang 5:00 ng madaling araw, na itinakda ng Kalihim ng DOLE, pagkatapos ng pagkonsulta sa mga kinatawan o organisasyon ng mga manggagawa at mga employer.
Ang night worker ay tumutukoy sa sinumang manggagawa na ang trabaho ay nangangailangan ng pagtatrabaho ng malaking bilang ng oras ng night work na lumalampas sa itinakdang limitasyon. Ang limitasyon na ito ay tutukuyin ng Kalihim ng DOLE, pagkatapos ng pagkonsulta sa mga kinatawan o organisasyon ng mga manggagawa at mga employer.
Ang mga kabataan ay hindi pinapayagan sa night work. Pagdating sa antas ng bayad para sa night work, ang mga manggagawa sa night shift ay dapat sahuran ng karagdagang bayad na hindi bababa sa 10% ng regular na sahod bawat oras ng trabaho mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.
Batayan: §86 at 154 ng Labor Code, as amended; §12-A ng Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act
Mga Kompensatoryong Holiday / Araw ng Pahinga
Walang probisyon sa batas na matukoy na nagsasabi kung ang mga manggagawa ay dapat bigyan ng kapalit na araw ng pahinga kapag sila ay nagtrabaho sa mga araw ng pista opisyal o lingguhang araw ng pahinga.
Kompensasyon sa Trabaho ng Weekend / Pampublikong Holiday
Maaari lamang pagtrabahuin ng employer ang manggagawa sa kanyang araw ng pahinga kahit labag ito sa kanyang kalooban sa mga sumusunod na pagkakataon: 1. Kapag may kasalukuyan o nalalapit na emerhensiya dulot ng malubhang aksidente, sunog, baha, bagyo, lindol, epidemya o ibang sakuna o kalamidad upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at pag-aari, o nalalapit na panganib sa pampublikong kaligtasan; 2. Kapag may agarang trabaho na dapat gawin sa makinarya, kagamitan, o instalasyon, upang maiwasan ang malubhang pagkalugi na maaaring danasin ng employer; 3. Kapag may di-karaniwang presyon sa trabaho dahil sa isang natatanging kalagayan, kung saan ang employer ay hindi inaasahang makakagamit pa ng ibang paraan; 4. Para maiwasan ang pagkawala o pagkasira ng mga produktong madaling masira; 5. Kapag kinakailangan sa trabaho ang tuloy-tuloy na operasyon at ang pagtigil dito ay maaaring humantong sa di-mababagong pinsala o pagkawala ng employer; at 6. Iba pang mga kalagayan na halintulad sa mga nabanggit sa itaas na tinukoy ng Kalihim ng DOLE.
Sa iba pang mga sitwasyon, ang manggagawa ay dapat kusang-loob na magtrabaho sa kanyang itinakdang araw ng pahinga at magbigay ng kasulatan na nais niyang magtrabaho sa mga itinakdang araw ng pahinga.
Walang batas na nag-aatas sa mga employer na magbigay ng kapalit na araw ng pahinga kapag nagtrabaho ang empleyado sa kanyang lingguhang araw ng pahinga o sa isang pampublikong pista opisyal. Gayunpaman, kapag inutusang magtrabaho o pinayagang magtrabaho ang empleyado sa kanyang itinakdang araw ng pahinga o sa isang espesyal na araw, siya ay dapat bigyan ng karagdagdag kompensasyon na hindi bababa sa 30% ng kanyang regular na sahod (130% ng karaniwang antas ng sahod). Kapag ang empleyado ay pinagtrabaho sa regular na pista opisyal, siya ay kailangang bigyan ng hindi bababa sa 100% ng kanyang regular na sahod (200% ng karaniwang antas ng sahod). Kapag siya ay pinagtrabaho sa kanyang itinakdang araw ng pahinga na isa ring espesyal na araw, siya ay dapat bigyan ng 150% ng normal na antas ng sahod. Kapag siya ay pinagtrabaho sa kanyang itinakdang araw ng pahinga na isa ring regular na pista opisyal, siya ay dapat bigyan ng 260% ng normal na antas ng sahod.
Walang batas na nagbibigay ng karapatan sa manggagawa na pumili sa pagitan ng kapalit na araw ng pahinga, dagdag na bayad (o premium pay), o pareho kapag siya ay nagtrabaho sa araw ng pampublikong pista opisyal.
Batayan: §91-93 ng Labor Code, as amended; §6 ng Omnibus Rules Implementing the Labor Code, Book III
Mga Regulasyon sa Kompensasyon
- 1987 Constitution of the Philippines
- Magna Carta for Disabled Persons (Republic Act No. 7277)
- Special Protection of Children Aagainst Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Republic Act No. 7610)