Sapilitang Paggawa
Pagbabawal sa Sapilitan at Obligatoryong Paggawa
Walang mga probisyon sa Saligang Batas o sa Labor Code hinggil sa tahasang pagbabawal sa sapilitang paggawa. Sa halip, ang mga kaugnay na probisyon ay nakapaloob sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 o Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 o Republic Act No. 10364.
Ayon sa batas, ito ang kahulugan ng forced labor: “the extraction of work or services from any person by means of enticement, violence, intimidation or threat, use of force or coercion, including deprivation of freedom, abuse of authority or moral ascendancy, debt-bondage or deception including any work or service extracted from any person under the menace of penalty”. Mahigpit nitong ipinagbabawal ang paggamit, pag-ampon, pagrerekrut, at paglilipat ng mga tao para sa layunin ng sapilitang paggawa at pagkaalipin.
Bukod dito, isang krimen ang anumang pagtatangka na gamitin ang mga tao para sa sapilitang paggawa at pinapanagot din ang mga kasabwat na sangkot dito.
Para sa mga taong napatunayang nagsasagawa ng paggamit, pag-ampon, pagrerekrut, at paglilipat ng mga tao para sa sapilitang paggawa at pagkaalipin, ang batas ay nagpapataw ng parusang pagkakakulong ng 20 taon at multang mula PhP1 milyon hanggang PhP2 milyon.
Ang parusa naman para sa mga taong sangkot sa pagtangkang gawin ang alinman sa mga nabanggit na gawain o napatunayang kasabwat ay 15 taong pagkakakulong at multang mula PhP500,000.00 hanggang PhP1 milyon.
Batayan: §34 at 10 ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (Republic Act No. 9208); §3-6 at 12 ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (Republic Act No. 10364)
Kalayaang Magpalit ng Trabaho at Karapatang Magbitiw
Kinikilala ng Saligang Batas ang karapatan ng bawat mamamayan na pumili ng propesyon o kurso ng pag-aaral, at nagbibigay ito ng ganap na proteksyon sa paggawa, kabilang na ang karapatang magpalit ng trabaho.
Maaaring tapusin ng isang empleyado, nang walang just cause, ang employer-employee relationship sa pamamagitan ng pagbibigay ng nakasulat na abiso sa employer nang hindi bababa sa isang buwan bago ang kanyang pag-alis. Ang employer na hindi nabigyan ng naturang abiso ay maaaring maningil ng danyos mula sa empleyado.
Ang manggagawa ay pinapayagang tapusin ang relasyong pantrabaho nang walang abiso sa mga sumusunod na sitwasyon:
i. Malubhang pang-aalipusta ng employer o kanyang kinatawan sa dangal at pagkatao ng empleyado; ii. Hindi makatao at hindi matiis na pagtrato ng employer o ng kinatawan nito sa empleyado; iii. Paggawa ng krimen o pagkakasala ng employer o kinatawan nito laban sa empleyado o sa alinmang agad na miyembro ng kanyang pamilya; iv. Iba pang dahilan na kahalintulad sa mga nabanggit.
Batayan: §3 ng Art. XIII at §5(3) ng Art. XIV ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987; §300 ng Labor Code, as amended
Hindi makataong kondisyon sa trabaho
Ang karaniwang oras ng trabaho ng sinumang empleyado ay hindi maaaring lumampas sa walong oras bawat araw. Maaaring magtrabaho nang lampas sa walong oras sa isang araw kung ang empleyado ay babayaran para sa overtime work. Walang malinaw na probisyon sa Labor Code na nagsasaad ng pinakamataas na bilang ng oras ng trabaho kabilang ang overtime.
Batayan: §83 at 87 ng Labor Code, as amended
Mga Regulasyon sa Sapilitang Paggawa
- 1987 Constitution of the Philippines
- 105-Day Expanded Maternity Leave Law (Republic Act No. 11210)
Mga Kaugnay na Aytem
Makatarungang PagtratoPagbabawal sa Sapilitan at Obligatoryong Paggawa