Mga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho
Mga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho
Hanggang taong 2018, walang tiyak na benepisyo sa kawalan ng trabaho o unemployement sa batas sa Pilipinas; bagama’t may mga probisyon noon pang 1954, ang mga ito ay tinanggal sa mga sumunod na amyenda. Gayunpaman, sa simula 2018 at sa pagpasa ng Republic Act No. 11199, o ng Social Security Act, ang mga pribadong empleyado na hindi kusang nawalan ng trabaho ay kwalipikado na ngayon sa unemployment insurance at sa mga benepisyo sa ilalim ng SSS sa anyo ng buwanang bayad na katumbas ng 50% ng average monthly salary credit sa loob ng hindi lalampas sa dalawang buwan. Upang maging kwalipikado sa benepisyo, ang edad nila ay dapat mas mababa sa 60 taong gulang at nakapagbayad sila ng hindi bababa sa 36 na buwang kontribusyon, kung saan ang 12 buwan nito ay dapat nasa loob ng 18-buwang panahon kaagad bago ang hindi kusang pagkawala ng trabaho. Bukod dito, hindi rin sila dapat kwalipikadong makakuha ng iba pang benepisyo na mas mataas ang bayad. Ang unemployment insurance ay maaari lamang makuha isang beses tuwing tatlong taon.
Noong panahon ng pandemya, ang mga manggagawang walang trabaho ay may karapatang makatanggap ng hanggang PhP8,000.00 bilang unemployment o involuntary separation assistance, maliban kung sila ay nakakatanggap na ng benepisyo sa kawalan ng trabaho mula sa SSS.
Batayan: §14-B ng Social Security Act of 2018 (Republic Act No. 11199); §4(f)(2) ng Bayanihan to Recover as One Act (Republic Act No. 11494)
Mga Kaugnay na Aytem
Seguridad PanlipunanMga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho